Tambayan Forum
PUPconnect
Pilipino Forum
Snake
Prinsesang Walang Malay
Big Boss's First Lady
Ma-Coup Nut







Friday, May 06, 2011
stuck on you


twinkling eyes

hindi ka naman cleavage...
pero bakit ang sarap mo titigan?

mabuti na lang hindi ka natutunaw :D




Posted at 12:19 pm by ranberzul
komento  




Thursday, May 05, 2011
80's baby #5...

oh tiyo paeng, napadaan kayo

kamustahin ko sana nanay mo.
andyan ba sya?

naku wala na. nasa australia na nung isang taon pa.

ah ganun ba? pwede ba mahingi na lang yung address, sulatan ko na lang

sige, saglit lang

oh eto lang ang addres nya? isang salita lang

tio paeng, you're so 80s.
email address yan para mas mabilis

Posted at 01:57 pm by ranberzul
komento  




Wednesday, May 04, 2011
80's baby #4...

ang bango naman ng pabango mo...
yan ba yung galing sa ate mo sa japan?
hulaan ko kung ano yan

sige nga!

uhm, angels breath?

hinde

nenuco

ano ba, so 80's...
downy lang to noh


Posted at 01:48 pm by ranberzul
komento  




Tuesday, May 03, 2011
pahipon ka, pababoy ako

walang ulam sa bahay
buti na lang may hipon pa sa freezer.
di naman ako marunong magluto so bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko.

ooops, teka. hindi naman halabas ang ginawa ko.
kailang din naman kahit papano may kaunting effort.
buttered garlic shrimp
para maiba naman ang lasa.

sakto habang nagluluto, dumating ang kuya ko.
parang di naman nagustuhan kaya lumabas ng bahay
pagbalik may bitbit na ulam. bumili sa carinderia ng caldereta

after magluto, naligo muna ako.
habang nasa banyo, may kumakalampag na pinggan sa kusina.
baka kumakain na kuya ko.
paglabas ko hindi nabawasan yung hipon
kaya kinain ko na lahat.

nung tapos ng magcomputer kuya ko
tinanong ako kung wala ng hipon. sabi ko ubos na, di ba kumain ka na?
hindi pa daw. yung aso muna pinakain nya.

tsk. hayop na aso. sabagay hayop nga talaga
akalain mo yon, nauna pa kumain sa amo.

Posted at 10:56 pm by ranberzul
komento  




Monday, May 02, 2011
due date

walang tao sa bahay, nag-alisan lahat sila.
ako lang ang natira.
nag-iisang taong-bahay

syempre kapag naiiwan, katakut-takot ang bilin bago umalis

tignan-tignan mo yung aso manganganak na yan ngayong linggo...
pag nanganak, text mo ako...
tawagan mo ako sa opisina...

hindi naman basta pwede pabayaan
dahil may breed yung aso.
purong poodle

ako naman si kolokoy, laging nakatutok sa aso
malingat lang sandali
mawala sa paningin
hanap agad kung saan sulok sumuot.

paano kaya pag asawa ko na ang manganganak...
baka lalong hindi ako mapakali. haha



ilan sa asong alaga sa bahay

Posted at 09:59 pm by ranberzul
komento  




Sunday, May 01, 2011
tutong

kingina naman yan.
nalimutan ko na yung sinaing ko
kung hindi ko pa naamoy na parang may nasusunog

masyado kasing nakatutok sa computer
naghahanap ng beach na mapupuntahan para sulit ang summer.

kala ko may mapapakinabangan pa
hindi lang ilalim ang nasunog pati ibabaw.

sinubukan kong kumuha
kaya lang sa sobrang tigas, isang kutsara lang sumama na lahat.


pramis, pag ibinato sa iyo, bubukol 'to




Posted at 10:43 pm by ranberzul
komento  




Thursday, April 28, 2011
try mo bukas


nakaharap sa computer
nangingiting mag-isa.

nagtetext
di mapigilang tumawa.

nang-i-stalk
naghahanap ng makukuhang impormasyon.

kapag tinanong kung bakit
ang sagot ''wala lang''.

hmm, pwede bang...
wag muna ngayon?

hindi kasi ikaw ang...
priority ko.

Posted at 06:10 pm by ranberzul
komento  




Wednesday, April 27, 2011
80's baby #3...


ang init ng ulo mo, boy ah ...

kaasar nga eh

bakit ano ba nangyari?

may umaway sa akin...

sino?...
san ba dumadaan yan, abangan natin.
tawagin ko yung mga ka-frat natin


ew... so 80's.
wag na.
awayin ko na lang sa twitter.

Posted at 04:36 pm by ranberzul
komento  




Tuesday, April 26, 2011
80's baby #2...


ah shit! lowbat ako...
pahiram naman ng cellphone, gamit lang ako ng calculator.

hindi ko dala eh, nasa locker ko.
eto na lang relo ko, may calculator din 'to.

eew... so 80's

Posted at 10:55 am by ranberzul
komento  




Sunday, April 24, 2011
80's baby #1...


"tara nood tayong concert"

"sige!"

"kelan ba yan?"

"next week"

"teka, saan pala?"

"sa moa open grounds"

"san yon... sa ultra lang ang alam ko"

"eew... so 80's"

Posted at 10:51 am by ranberzul
komento  




Next Page



ranberzul
October 6th 1981  (Age 37)
Male
Philippines

lahat tayo ay hari na namumuno sa kanya-kanyang nasasakupan. gumagawa ng batas, tagapag-patupad ng naisin. huwag mong hayaang mapadpad ka sa aking kaharian kung hindi mo ibig sumunod sa aking mga itinakda.









cheap web site hosting
provided by cheap web hosting company.



   





<< May 2011 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31

ISANG PASASALAMAT SA IYONG PAGBISITA



MATA





Mapanghusga
Mapaghinala
Bulag
May ikinukubli
May inililihim
Mapang akit
Mapanukso
Makasalan
Mapangkutya



KOMIKS





Imahinasyon
Pantasya
Kababalaghan
Aksyon
Katatakutan
Drama
Wakasan
Itutuloy
Nobela
Kwento
Pakikipagsapalaran
Romansa
Kwentong puso
Bida
Kontrabida




Sa mga araw-araw na pangyayari, limitado ang isipan natin para matandaan lahat ang mga ito lalo na kung karaniwan lamang. Pansarili man ang dahilan o dumating man ang panahon na ako’y maging makakalimutin meron akong babalikan na magpapa alaala sa akin ng nakaraan. - Rene O. Villanueva







Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed